Sunday, August 17, 2008

Bakit nga ba ako nandito?..


First time blogger( in short virgin)

ehem.. ehem..
Sa makakabasa nito.. para sayo to.. Justify Fullhehehe

First time kong sumulat(o mag- blog), sa tinagal tagal ko nang nagiinternet eh ngaun ko naisipang magsulat ng ganito.. well.. dahil kasi naimpluwensyahan siguro ako ng aking newly found friend over the internet(ico-consider ko na cyang friend kahit hindi pa kami lubos n magkakilala)..
kung sino sya eh eto ang URL nya..(http://alleicarg.blogspot.com) (kung ayaw bumukas ng link na yan eh i-type mo na lang sa address bar).. hanggang ngaun d paren ako sure kung babae o lalake sya.. kung anong paborito nyang kulay, pagkain, cartoon character etc.. pero hindi naman kanya tong blog na to kaya hindi natin cya pagusapan.. peace!

Naisip ko lang kelangan bang magpakilala ng author ng blog sa makakabasa ng blog nya?.. o kelangan paren ng privacy sa totoo nyang pagkatao?. ako? ahmmm.. ayoko magpakilala kasi wala namang sigurong makakabasa nito.. hehehe.. kung meron man eh wala naman cyang pakialam kung sino man ako.. hehehe ulit.. at kung may pakialam man sya, eh ako naman ang walang pake..

Naeelib ako sa mga taong may sariling blog, journal, comics, libro, novel etc.. pambihira ang galing nila dahil nakaya nila makapagsulat ng babasahing may sense(pero hindi lahat).. matagal ko nang gusto gumawa ng ganito, magsulat ng mga bagay bagay na tumatakbo sa utak kong punong puno ng sipon. pero may isang bagay na wala sakin.. un ay ang mahiwagang salita na.. tenen tenen tenen.. SIPAG.. Pag may biglang pumasok sa isip ko na pakiramdam ko ay kelangan malaman ng buong mundo, sinasabi ko lagi sa sarili ko na isusulat ko to mamaya.. pero pagdating ng mamayang yon eh inaatake na ko ng kaugaliang puno puno ang aking katawan.. un ay ang tene nenen tenen.. KATAMARAN!.. yan ang sakit ko na gusto kong gumaling.. kaso wala namang doctor o specialista na nagrereseta ng gamot sa laziness.. alam ko alam ko sasabihin nyo na saken din ang gamot.. pero mahal ang benta ko sa gamot na yun kaya hindi ko sya ma-afford..

Aba mahaba haba na rin ung nasulat ko.. nak ng teteng.. isa tong accomplishment sa aking walang kabuluhang buhay.. astig.. isa na kong writer.. wow.. pagkakalat ko to.. yes.. ay wag na lang pala.. wala rin naman kasing kwenta.. hehehe

O cya cge na.. ie-enjoy ko pa ung the rest ng aking holiday.. check nyo n lng lagi tong blog na to baka kasi toyoin uli ako at magpost uli ako dito.. (teka.. wala nga palang magbabasa nito hehehe) nakakahalata na ko ah.. kanina pa ko tawa ng tawa.. eh wala namang nakakatawa.. hindi kaya gamot sa pagkabaliw ang kelangan ko?..

1 comment:

ice said...

haha!
tama..
dapat di kanamin kilala para makapagsulat ka ng maayos..
:D