Wednesday, August 20, 2008

TALENT PORTION Part II


Bumili ako ng bagong sapatos (see picture).. isang Vans McGyver.. Ayos ba? hehehe..
skateboarder ang dating.. thrasher!

Anong Connect sa talent? well.. isa sa aking frustrations ay ang pag ii-skateboard.. nung 2nd year high school ako, una akong na-amaze sa mga nag ii-skateboard.. ang lupet!.. astig!.. tangna bangis!.. sinabi ko ulit sa sarili ko na kelangan kong matutong mag-skateboard.. sound easy.. pero anak uli ng tinapay.. mas mahirap pang matutong mag-skateboard kesa mag-gitara.. kelangan pala ng concentration at balance.. balance?! wala ako nyan..

Fact: mula nang isilang ako sa mundo ay hindi pa ko nakakasakay at nakakapag maneho ng bike (na parang skateboard din, kelangan din ng balance).. in short.. dehins ako marunong mag-bisikleta
Asar.. gustong-gusto ko pa naman ung porma ng mga skateboarder.. kaya un porma na lang ginaya ko.. hehehe.. gusto ko p naman sanang sumikat sa buong mundo, sayang..

Un na sana ang sports na pagbubuhusan ko ng lakas at panahon, pero hindi rin pala ako matuto.. napunta tayo sa sports.. bilang isang pilipino, mahilig ako sa basketball.. pangarap kong maging sikat na player sa mga sumusunod na liga at mga dahilan kung bakit:
  • UAAP/NCAA - Dahil maraming chicks.. kung nabigyan ako ng chance, sa DLSU ako magtra-try-out.. (ganda kasi ng uniform.. tsaka magaganda rin ang chicks hehehe)..
  • PBA - Dahil gusto ko mag-asawa ng artista, diba uso un ngaun? tsaka maraming chicks.. kung nabigyan ako ng chance gusto kong maglaro para sa talk & text, at dudurugin ko ang ginebra pag kalaban namen sila..
  • NBA - dahil maraming chicks.. ito ultimate dream ng kahit sinong basketball player.. gusto ko maging unang pilipino sa NBA.. Gusto ko maglaro para sa Los Angeles Lakers.. Gusto ko ma-in-your-face-dunk si Tim Duncan.. Gusto kong masupalpal si LeBron James.. gusto kong manalo ng MVP.. All-star MVP.. rookie of the year.. etc.. gusto ko manalo ng lahat ng awards.. sa kasamaang palad eh sa computer ko lang to nagagawa..
Fact: Alam niyo ba naging 5 time champion, 5 time all-star MVP, 5 time MVP ako sa NBA Live 2004, NBA Live 2005, NBA Live 2006, NBA Live 2007 at NBA Live 2008.. astig diba?

Sabi ng mga eksperto sa paggawa at paghukay ng pozo negro.. nakatadhana daw ung mga sisikat na tao sa sports..naayon daw to sa kalendaryo ng mga bumbay na nagpa-five six.. kung kelan pinanganak.. kung ilang gramo sila nung pinanganak.. kung una ba ung paa, o ulo, o kamay.. pinanganak na daw sila para mag-basketball, tennis, piko, tumbang-preso, pitik-bulag at iba pa..
dahil dito nagisip kong magresearch.. nalaman kon ka birthday ko pala si LeBron James(nba), Tiger Woods(golf), kenyon martin(nba), Flavio(soccer) Laila Ali(boxing) at Lordy Tugade(pba).. si jake cuenca ka-birthday ko rin.. anak ng?! madami akong kabirthday na sikat na athlete.. pero bakit ako hindi ako sumikat? eh ni hindi nga ako athelete eh..

okay lang.. siguro hindi para sakin ang sports..

Fact: habang nagrereseach ako may nakita akong interesanteng tao na ka-birthday ko.. sya ay walang iba kundi si.. ten tenen tenten (*drumroll*) .. Nacho Vidal, Spanish porn star.. kitam.. baka nga pagiging pornstar ang talent ko.. ayos to.. baka un na lang ang i-pursue kong career..

1 comment:

ice said...

gaya gaya ka. ^^
-laging magbabasa.