Monday, August 18, 2008

TALENT PORTION


aaaaaahhhhh.....

andito ulit ako.. bkit? wala lang.. sabihin na nating mejo nawiwili na ko sa pagba-blog.. hehe.. aba may nakabasa na nung una kong basura.. nung nalaman ko un.. naisip ko, ano kaya reaction nya? natuwa ba sya? na badtrip? nagutom? pero kung ano man naging reaction nya ok lang at least nagsayang cya ng oras para magbasa ng basura ko.. cnu ung nkabasa? walang iba kundi
si new-found-friend-over-the-internet.. (hindi naman nya babasahin un kung hindi ko sinabi, pinilit ko lang sya.. hehe)

anyways.. talent.. yan ang bagay na wala ako ni-isa.. kumanta, magsayaw, magluto, sports, sumubo ng sword, kumain ng buhay na manok, kumain ng double dead na manok, kumain ng apoy, kumain ng kalan, kumain bumbilya.. etc.. dami pa.. wala talaga akong katalent-talent sa katawan.. naiinggit sa mga taong multi-talented.. ung kayang mag-sing and dance.. dance and cook.. eat and die(hehe).. tinanong ko sarili ko.. bkit sila madaming talent, bat ako wala?

siguro kulang lang ako sa praktis.. persevearance.. confidence.. sabi ng iba lahat daw tayo may talent hindi nga lang daw nahahasa.. marunong ako kumanta.. pero lahat naman marunong diba? hindi lng magandang pakinggan..

simula nung nahilig ako sa mga banda.. sinabi ko sa sarili ko na kelangang magkabanda ako.. gusto kong maging guitarist slash vocalist ng isang rock band.. bakit?? para sumikat sa school at tingalain ng mga chikiting punks.. hehe.. babaw.. eh anak naman ng tinapay.. napakahirap pa lang matutong mag-gitara.. o sadyang tamad lang talaga ako kaya hindi ako natuto.. pero kahit na.. tinanggap ko n lng sa sarili ko na ung magagaling mag-gitara ay pinanganak na may built-in talent sa pag-gi-gitara.. ako ata wala.. kaya un nakuntento na lang ako na manuod habang kinakaskas ung mga kwerdas ng mga gitara ng mga idol ko.. tsk tsk tsk..

hirap talaga pag walang talent.. pero may positive side din un .. dahil hindi ka napipili sumali sa mga dance contest na pang-juice lang ang premyo.. at sa singing contest na wala namang hinihintay ung mga nanunuod kundi ung pagpiyok ng contestant..

meron din siguro akong natatagong talent.. hindi ko pa siguro nadidiscover.. malay ko ang talent ko pala e ang pagiging pornstar.. malay natin diba.. hehehe..

(tawa n naman ako ng tawa kahit walang nakakatawa.. mukang lumalala na ang condition ko kelangan ko nang makita ang resident veterinarian ko.. oh cge na.. see you next time)

No comments: